header image

I’m a Planet

Posted by: sie7ben | September 25, 2006 |

the word planet comes from the word planasthai - to wander more

For some, alam na nila kung para saan tong post na ito. Pero don’t worry, magpopost pa rin ako at ieexplain ko kung para saan tong post na ito.

Nung iniinterview ako, ang laging tanong sakin ng mga nagiinterview, eh kung bakit lilipat daw ako. Ano ang reason (or reasons) kung bakit lilipat ako given na 6 months pa lang ako sa job.

Iisa lang ang sinabi ko - Andito pa ako sa stage na naghahanap pa ng magandang opportunities at ways to learn new things. Akala ko convinced sila, dun ako nagkamali.

Yung isang call-center company (hindi ko na babanggitin kung ano to), nung ininterview ako ng kanilang HR officer, eh straight to the point. Ang sabi, ‘I have this dilemma, you said that you’re looking for another job for better opportunities and new things to learn, so, what if we hire you, how can you guarantee me that you’re still with us given 5 or 6 months time? What if you’ve learn a new thing in here and eventually you find another company that gives you new technologies to learn.’ Malabo ba? Pano ko daw siya iga-guarantee. Ang sabi ko naman, as long as the environment and my relation with my co-workers and superiors are okay, I’ll guarantee you that I’ll stay. Hindi ata bumenta. Kaya sa ibang company ako magwowork ngayon, hehe.

Meron namang isang company, kaso sa Baguio naman nakalocate. Ok na sana sa akin eh. Kaso habang ako’y sinesermunan ng nanay ko, at kasama na rin ang pagninilay-nilay - Eh hindi nga naman feasible yun. Pano ka uuwi? Lingguhan? Every month? Pano ang gastusin? Kaya mo kaya? Tapos nako sa phone interview nila. At invited nako for personal interview sa Baguio. Tinurn-down ko na, at least hindi ako manghihinayang kasi hindi pa naman job offer.

Marami pang kuwento. Meron dyang isang call center company ulit (not related sa nasa taas), tinanong lang kung ilan ang bagsak mo sa kolehiyo, ng malaman, saka sinabi na ‘OK we’ll contact you after we’ve evaluated this phone interview.’ Hindi ko sila masisisi kung ayaw nila ng mga bagsak ko di ba?

Bakit nga ba ako lipat ng lipat? Nung una, aminado ako na hasty decision ang ginawa ko. Nasilaw ako sa pera. May significant increase against sa sweldo ko sa unang company. Ngayon ko napagtanto na hindi pala dapat laging inaapply ang 30% rule. Dapat pag invited ka for interview, malakas ka dapat makiramdam, kung maganda ba yung company na nag-iinterview sayo, at saka yung mga non-monetary benefits. Ngayon, parang batang nag-aaral magbike, natututo ako kada semplang ng bisikleta. Ngayon alam ko na ang dapat kong hanapin.

Itong sa pangalawang company, tingin ko eh tama lang ang gagawin kong pag-alis. Hindi sa nagsa-sourgraping ako or sinisiraan ang company ko. In fact masaya sila kasama, at home ako at hindi nahihiyang sabihin kung ano gusto ko. Kaso, importante talaga sa isang nagtatrabaho na maramdaman nya na importante sya sa kumpanya. Kailangan alam ng mga superiors mo kung pano pasayahin ang mga tao. Hindi naman sa nanghihingi ako ng increase eh. Mga simpleng bagay lang naman ang gusto kong makita. Mga bagay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga empleyado nya. Hindi lang naman sapat na pangangakuan mo sya ng ganito at ganyan. Hindi lang naman sapat na pangakuan mo sya ng bonus. Dapat sa araw-araw na itinatakbo ng kumpanya, maipakita man lang nya sa mga maliliit na bagay na mahalaga kami. Na kami ang tinaguriang gulugod (backbone) ng kumpanya - pag nawala kami, babagsak ang operasyon. Titigil ang paggawa ng produkto at serbisyo.

Kaya ako lilipat. Mas maganda na siguro na huwag ng hintayin na ako pa ang tanggalin. Ako na mismo ang aalis. At least, maganda pa ang record ko sa kanila.

May mga nagsasabi at magsasabi - ‘Sinabi mo na ba ito sa kanila?’ Sagot ko: HINDI. Para sa akin kasi, oo naniniwala ako sa bukas na komunikasyon, pero as a superior, as a head of the company, It is your prerogative to be sensitive to your employees. Sila ang nagbibigay ng kita eh. Pakiramdaman mo kung ano ang kailangan nila. Sila ang lapitan mo, at kausapin. Pag nilapitan mo naman at kinausap mo ng mahinahon yan eh magsasabi yan. Base kasi sa obserbasyon ko, sa sarili ko at sa ibang kakilala ko - Likas na mahiyain ang empleyadong Pinoy. Hindi agad yan magsasalita pag may nakita syang hindi maganda. It’s either na gagawa ng paraan yan para maitama yung mali, or magsasabi yan sa mga taong mas nakakaintindi at nakakaramdam din ng mga nararamdam nya: mga officemates nya. Kaya hangga’t hindi nagiging sensitive ang mga superiors, laging magkakaroon ng tug-of-war yan sa pagitan ng mga bosses at employees: higpit ng higpit ang mga bosses kasi nakikita nyang below average ang performance ng mga employees, at lalo naman nagiging pasaway ang mga empleyado kasi nakikita nilang ang higpit ng mga bosses. Unless hindi maresolve yan. Patuloy ang ganyang sistema.

Ngayon, eto na lang siguro ang ipinapanalangin ko: Na sana marunong umunawa at umintindi ang magiging boss ko sa bagong kumpanya ko. At alam nya kung pano humawak at magpa-stay ng tao. Yun na lang ang importante siguro. Para kahit hindi nila ako tinanong kung magagarantiyahan ko na tatagal ako sa kanila, eh ako na lang, kusa, ang gagawa ng paraan para magtagal ako.

Alam ko na ang joys and pains of being in a new company. Pero sa experience na na-gain ko sa mga nagdaang panahon, alam kong kakayanin ko ito. At hinihiling ko lang sana sa itaas na bigyan ako ng lakas ng loob to overcome those hindrances.

In fairness, marami naman akong natutunan sa iiwanan kong company. Marami akong nakilalang mga tao, at marami akong nakita na, kung sa highly-corporate world ako nagtatrabaho, eh malamang sa hindi eh hindi ko sya makita. At least alam ko na ang mga galaw kahit hindi 100% complete ang nalalaman ko. Sapat na yun.

As for that call-center company? Tama ang si Aya ko: It’s their loss, not mine. Hindi nila nakita yung opportunity kung san nila ako pwedeng maharness. Sayang. Ako pa naman kasi yung taong ieexert ang lahat ng effort at time para lang makadeliver ng magandang resulta. Hindi ako nagmamayabang, siguro maaattest yan ng mga kakilala ko. Kung kakilala nyo sila, ask them na lang hehe.

For now, ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko sa bagong company na nag-accept sakin. Pero hindi na matatanggal yung maxim ni Narayana Murthy sa akin regarding work:

"Love your job, but never fall in love with your company because you never know when the company stops loving you…"

I guess hindi ako minahal ng company ko in the first place? heheh. I don’t know, at ayoko na sigurong alamin…

under: Workaholics 101

Leave a response -

Your response:

Categories