header image

Ang Butete sa Starbucks

Posted by: sie7ben | December 18, 2006 |

"Dahil sa planner…" Ito ang madalas kong sinasabi sa mga officemates ko, sa mga kaibigan at sa pamilya ko kung bakit ako laging umiinom sa Starbucks. Dahil lang talaga sa planner. Period.

Iba rin kasi talaga ang tingin sayo pag pumapasok ka sa Starbucks at paglabas mo eh may hawak ka ng - kundi pulang paper cup - eh plastic na cup na may nakalagay na ‘Butete’ sa harap. Sosyal ang dating mo. Kasi ba naman, sino ang nahihibang na bumili ng isang basong kape na overpriced. But then again, meron taong nahihibang talaga sa estado ng Starbucks, at meron din dahil lang sa planner…

Correct me if I’m wrong. Nabasa ko kasi sa ‘Bakit baligtad magbasa ng libro ang mga Pilipino’ ni Bob Ong na merong ‘Starbucks Principle’ ang mga Pilipino. I won’t delve into details ng principle na into. Instead, bumili na lang kayo ng aklat ni Bob Ong para maliwanagan kayo at mag enjoy pa kayo.

Bakit nga ba ganoon di ba? Parang napakaprofound naman ng effect ng isang basong kape… Except of course na masyadong mahal ito for a coffee. Hindi naman kasi sa lasa at sa ganda ng tissue paper nasusukat yan eh. Sa brand na Starbucks. Starbucks=big bucks. You’re willing to put a hefty amount of cash in just one cup of coffee. Siyempre, pag kaya mong mag-Starbucks, eh di kakabit na nun ang kakayahan mong bumili ng mga mamahaling bagay. Hence, the profound effect.

Bakit ko ba sinulat to? Wala lang. Kasi for me, kape lang talaga sya. Hindi sa nagmamalinis ako, or nagbubuhat ako ng sarili kong furniture set. In fact minsan naiisip ko rin na ‘Naks, ang angas ko heheh, may dala akong Choco Cream Chip Frap na Grande.’ Pero kasi sa akin, hindi mo naman kinakailangang taasan ang kilay at ilong mo paglabas mo ng Starbucks. Hindi naman dapat ginagamit ang kape para makilala at tumaas ang antas mo sa society. Isa lang yan kape. Period.

Kaya ako, ang tinitignan ko na lang dyan kaya ako bumibili ng kape at kinukumpleto ang 21 stickers eh dahil sa planner. Dahil after ko makuha ang planner, eh titigil na rin ang butete sa pagbili ng mamahalin na kape.

© Starbucks Coffee Company. All Rights Reserved.

under: Food and Drink

Responses -

hmmm…hindi ko alam kung ilang baso bang kape ang kailangan inumin (or may equivalent na kaban ng cash na nalustay) bago makakuha ng planner…yung pinsan ko naman yung humongous tumbler ata yung hinabol niya, actually share dapat sila ng friend niya. kaya lang since isang baso lang ata yung actual na nabayad niya at yung friend niya sa iba, kaya sa friend niya napunta yung tumbler. hmm isang flavor lang ang alam ko sa starbucks at kung sakaling napapagawi ako doon, usually pag tumambay lang sandali dahil may hinihintay. mocha frappe lang binibili ko, at hindi ko alam kung yun ba ang pinakamasarap dun. siguro mag nescafe frothe na lang ako, mas mura kung buhay pa yun…hmmm ata.

Mas marami makakabasa nito pag sa Multiply ka nag ba blog.

HIGHLY RECOMMENDED BUYER

heyah! surprised ka sa comment ko noh?! hehe… wla lng, ddnt expect na you - Mr. Adrian Lauron, would also be one of those self - confessed - para magkaplanner ng starbucks eh aaraw - arawin (or almost)… hehe… actually, ako rin, kya lng, mraming ka-competition. pg sa ofc,ung sa boss nmin ung gamit (ira-raffle kc s amin ung xtra niya)… ako, meron din pag personal siyempre… Ü kulit ko na ba?! wla lng… musta - musta? Ü

ay naku aids, imagine mo kung how much ang nagastos mo sa pagbili ng coffee para lang magkaroon ng starbucks planner…say almost 200 pesos ang isang grande tapos you have to drink 21?! multiply that, that’s approximately how much the planner costs! and to think you’re only going to use it for one year…hmmm…interesting… =) hehehe

*ahem* i plead NOT GUILTY!!! coffee addict lang talaga ako at sadyang maarte pagdating sa kape. gusto ko matapang at masarap. not much of a fan of starbucks even so because i prefer cbtl..but yeah i drink expensive coffee nonetheless. maarte ako eh, so sue me. hahaha.

Leave a response -

Your response:

Categories