header image

Pagninilay

Posted by: sie7ben | June 4, 2007 |

Ang sikip ng mundo. Parang ang hirap gumalaw. O ako lang ba talaga ang nasisikipan?

Sabi nila, masaya mamuhay sa mundo. Napakapalad. Kasi nga naman, marami dyan ang ni hindi na nasikatan ng araw. Marami dyan ang saglit lang, umalis din. Samantalang ako, halos 1/4 na ng isang siglo ang itinatagal ko rito sa mundong ibabaw. Pero bakit ganun? Parang hindi masaya?

Aaminin ko, may mga ’saya’ moments naman ako. Marami yun. Pero ganun talaga e, mas naa-outweigh ng ’sad’ moments. Haay. Napaka pesimistiko ko na naman.

Test lang daw ito. Pagsubok - Mas marami pang dadating na mas malala pa ito. Nasa sayo na lang kung pano mo ito titignan. Kung pano mo ito haharapin. Ito tanong ko: Kung sugatan ka na ba sa naunang laban, mas nanaisin mo pa bang suungin ang ikalawa?

Ako siguro hindi. Bawat ’sad’ moment sakin kasi may tatak. Kumbaga may imprint na sa utak ko. Sabi ko nga kay Aya, kung kaya ko lang warakin ang sarili ko. Palitan ko ulit ng bago gagawin ko. Matanggal ko lang ang mga pangit na alaala at mga gawi ko. Para kasi akong kabinet. Kada bilang ng araw inaagiw. Naluluma.

Ewan. Gusto kong lumayo muna. Mapag-isa. Mag-isip kung ano ang nangyari bakit nagkaganun. Gusto kong linisin ang sarili ko, sa labas at sa loob. Gusto ko malinaw ang pag-iisip ko.

Gusto ko Magnilay.

under: Rantings and Ravings

Leave a response -

Your response:

Categories