header image

Deux Mois*

Posted by: sie7ben | November 30, 2006 | 3 Comments |

Whew! Really. Time flies. I can’t help but reminisce the days where I have to prepare my best shot and my best answer to all those probing questions as to me being the perfect man for their job. I remember being depressed and sad on the times that methinks is not my best effort to convince them that I’m the one they’re looking for.

Two months. Dalawang buwan. So far so good. It may not be the best but as long as I’m comfortable working and my teeny-weeny expectations being met - I’m all for it. At least compared to the… Never mind.

Haaay… Though hindi ganoon kadali ang work, I am somewhat pleased and satisfied with what I do. Kumbaga, enjoy lang sa pagtrabaho. No need to stress things out. I got to know new friends and learn new things in the process. It feels good that each of you has a role to fulfill inside the office. And each of you are willing to help each other to the best of your knowledge and capability.

And like what I’ve said a while ago. Nami-meet naman ang mga expectations ko lalo na in terms of working environment. Though hindi siya big company, at least alam naman ng management how to please their employees even in little ways.

Sometimes, I can’t help but ponder - Is it really important that you’re working on a large, multinational, Fortune 500 Company? Do names, brands, connections matter ba talaga? At first, medyo important sakin yun. Siyempre, all of us want to be associated with a big company. "Ako? Nagwowork ako sa Accenture" "Ako, sa HP ako nagwowork" "Ako naman sa Fujitsu." It’s not that I’m sour-graping and all, lalo na sa second company na namention ko. Rather, makikita mo ba talaga ang comfort and satisfaction sa mga big-name companies na yan? Or are we putting ourselves in greater risk of having sleepless nights and stretched out minds trying to cope with the sometimes next-to-impossible deadlines? That I don’t know. Maybe kanya-kanya siguro tayo ng perspective when it comes to that.

But for me. Siguro eto na lang ang maxim ko: You don’t need to thrust yourself into a big-profile company just to get the nirvana of working. As long as the environment’s okay with me, my co-workers and all - Then that’s it. Okay na ako.

Pero hindi ko naman sinabing magsettle tayo sa ganyan lang. Continue thriving for the best. It’s like this - Pag dinala tayo ng hardwork and perseverance sa isang magandang lugar - eh di accept it. Else, eh di deal with it. Accept it wholeheartedly. So pag nakita mo na thru your perseverance and hardwork, eh napupunta ka na sa isang Fortune 500 company. Eh di why not di ba? Pero don’t be discouraged or saddened kung hindi ka umabot. Be contented. At least may job ka in tune with your degree.

Haay… Andami talagang nagagawa sa tao ng dalawang buwan. Ang wish ko lang eh I have the power and the perseverance to pursue even more greater heights and have the capability to share it with others. Sana itong bagong job ko of two months eh it would make that wish into a reality. Kung hindi eh at least mailapit man lang ako sa state na yun.

*French for two months.

under: Workaholics 101

10 bagay na natutunan ko sa bagong job ko

Posted by: sie7ben | November 30, 2006 | 2 Comments |

Matagal-tagal na rin palang hindi ko nagagawa yung mga ‘10 reasons…’ at ‘Sampung bagay…’ Ngayon eto na:

  1. SMLIB - hehe basta eto yun. Hindi pwedeng sabihin hehehe
  2. BDO - Banco de Oro po ito. At masakit na katotohanan ang nakita ko. sumisingil pala sila ng P300.00 pag nagwithdraw ka na ang ATM mo eh Mastercard electronic. huhuhu mas malaki pa yung kaltas sa winidraw ko...
  3. Ubuntu Linux - yan ang gamit namin sa office…
  4. Jollijeep - the best. for 60pesos, may dalawa ka ng ulam (karne at gulay), isang kanin at isang softdrinks. Panalo!
  5. Sisig sa Rada! - hehe courtesy ng officemate ko. Panalo sa sarap! 35pesos lang po ito!
  6. Starbucks - Para sa planner… Para sa planner…
  7. Valero - isang hindi halatang inuman sa mga officemates kong trip maginom hehe! Tagay!
  8. W3C - big deal sa bossing ko. Kaya kelangan sundin :)
  9. SEO - isa pang big deal sa bossing ko. Kaya kelangan alam ko rin! :)
  10. Subversion - repository ng mga gawa namin. Napakalaki ng tulong lalo na marami kayong gumagawa sa iisang project.

Marami pa akong naiisip. Pero parang sa isang software application, hindi lahat ng magagandang features eh ibibigay mo na. Kaya nga may version 2. Hehe more to come! :)

under: Workaholics 101

Nice one…

Posted by: sie7ben | September 25, 2006 | No Comment |

I stumbled upon a Friendster blog commenting on the importance of both the HR officer and the supervisor in interviewing an applicant. Read it here.

Given the experiences I’ve had in those interviews, I think this would be a good setup in choosing the future employees of a particular company.

under: Uncategorized

I’m a Planet

Posted by: sie7ben | September 25, 2006 | No Comment |

the word planet comes from the word planasthai - to wander more

For some, alam na nila kung para saan tong post na ito. Pero don’t worry, magpopost pa rin ako at ieexplain ko kung para saan tong post na ito.

Nung iniinterview ako, ang laging tanong sakin ng mga nagiinterview, eh kung bakit lilipat daw ako. Ano ang reason (or reasons) kung bakit lilipat ako given na 6 months pa lang ako sa job.

Iisa lang ang sinabi ko - Andito pa ako sa stage na naghahanap pa ng magandang opportunities at ways to learn new things. Akala ko convinced sila, dun ako nagkamali.

Yung isang call-center company (hindi ko na babanggitin kung ano to), nung ininterview ako ng kanilang HR officer, eh straight to the point. Ang sabi, ‘I have this dilemma, you said that you’re looking for another job for better opportunities and new things to learn, so, what if we hire you, how can you guarantee me that you’re still with us given 5 or 6 months time? What if you’ve learn a new thing in here and eventually you find another company that gives you new technologies to learn.’ Malabo ba? Pano ko daw siya iga-guarantee. Ang sabi ko naman, as long as the environment and my relation with my co-workers and superiors are okay, I’ll guarantee you that I’ll stay. Hindi ata bumenta. Kaya sa ibang company ako magwowork ngayon, hehe.

Meron namang isang company, kaso sa Baguio naman nakalocate. Ok na sana sa akin eh. Kaso habang ako’y sinesermunan ng nanay ko, at kasama na rin ang pagninilay-nilay - Eh hindi nga naman feasible yun. Pano ka uuwi? Lingguhan? Every month? Pano ang gastusin? Kaya mo kaya? Tapos nako sa phone interview nila. At invited nako for personal interview sa Baguio. Tinurn-down ko na, at least hindi ako manghihinayang kasi hindi pa naman job offer.

Marami pang kuwento. Meron dyang isang call center company ulit (not related sa nasa taas), tinanong lang kung ilan ang bagsak mo sa kolehiyo, ng malaman, saka sinabi na ‘OK we’ll contact you after we’ve evaluated this phone interview.’ Hindi ko sila masisisi kung ayaw nila ng mga bagsak ko di ba?

Bakit nga ba ako lipat ng lipat? Nung una, aminado ako na hasty decision ang ginawa ko. Nasilaw ako sa pera. May significant increase against sa sweldo ko sa unang company. Ngayon ko napagtanto na hindi pala dapat laging inaapply ang 30% rule. Dapat pag invited ka for interview, malakas ka dapat makiramdam, kung maganda ba yung company na nag-iinterview sayo, at saka yung mga non-monetary benefits. Ngayon, parang batang nag-aaral magbike, natututo ako kada semplang ng bisikleta. Ngayon alam ko na ang dapat kong hanapin.

Itong sa pangalawang company, tingin ko eh tama lang ang gagawin kong pag-alis. Hindi sa nagsa-sourgraping ako or sinisiraan ang company ko. In fact masaya sila kasama, at home ako at hindi nahihiyang sabihin kung ano gusto ko. Kaso, importante talaga sa isang nagtatrabaho na maramdaman nya na importante sya sa kumpanya. Kailangan alam ng mga superiors mo kung pano pasayahin ang mga tao. Hindi naman sa nanghihingi ako ng increase eh. Mga simpleng bagay lang naman ang gusto kong makita. Mga bagay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga empleyado nya. Hindi lang naman sapat na pangangakuan mo sya ng ganito at ganyan. Hindi lang naman sapat na pangakuan mo sya ng bonus. Dapat sa araw-araw na itinatakbo ng kumpanya, maipakita man lang nya sa mga maliliit na bagay na mahalaga kami. Na kami ang tinaguriang gulugod (backbone) ng kumpanya - pag nawala kami, babagsak ang operasyon. Titigil ang paggawa ng produkto at serbisyo.

Kaya ako lilipat. Mas maganda na siguro na huwag ng hintayin na ako pa ang tanggalin. Ako na mismo ang aalis. At least, maganda pa ang record ko sa kanila.

May mga nagsasabi at magsasabi - ‘Sinabi mo na ba ito sa kanila?’ Sagot ko: HINDI. Para sa akin kasi, oo naniniwala ako sa bukas na komunikasyon, pero as a superior, as a head of the company, It is your prerogative to be sensitive to your employees. Sila ang nagbibigay ng kita eh. Pakiramdaman mo kung ano ang kailangan nila. Sila ang lapitan mo, at kausapin. Pag nilapitan mo naman at kinausap mo ng mahinahon yan eh magsasabi yan. Base kasi sa obserbasyon ko, sa sarili ko at sa ibang kakilala ko - Likas na mahiyain ang empleyadong Pinoy. Hindi agad yan magsasalita pag may nakita syang hindi maganda. It’s either na gagawa ng paraan yan para maitama yung mali, or magsasabi yan sa mga taong mas nakakaintindi at nakakaramdam din ng mga nararamdam nya: mga officemates nya. Kaya hangga’t hindi nagiging sensitive ang mga superiors, laging magkakaroon ng tug-of-war yan sa pagitan ng mga bosses at employees: higpit ng higpit ang mga bosses kasi nakikita nyang below average ang performance ng mga employees, at lalo naman nagiging pasaway ang mga empleyado kasi nakikita nilang ang higpit ng mga bosses. Unless hindi maresolve yan. Patuloy ang ganyang sistema.

Ngayon, eto na lang siguro ang ipinapanalangin ko: Na sana marunong umunawa at umintindi ang magiging boss ko sa bagong kumpanya ko. At alam nya kung pano humawak at magpa-stay ng tao. Yun na lang ang importante siguro. Para kahit hindi nila ako tinanong kung magagarantiyahan ko na tatagal ako sa kanila, eh ako na lang, kusa, ang gagawa ng paraan para magtagal ako.

Alam ko na ang joys and pains of being in a new company. Pero sa experience na na-gain ko sa mga nagdaang panahon, alam kong kakayanin ko ito. At hinihiling ko lang sana sa itaas na bigyan ako ng lakas ng loob to overcome those hindrances.

In fairness, marami naman akong natutunan sa iiwanan kong company. Marami akong nakilalang mga tao, at marami akong nakita na, kung sa highly-corporate world ako nagtatrabaho, eh malamang sa hindi eh hindi ko sya makita. At least alam ko na ang mga galaw kahit hindi 100% complete ang nalalaman ko. Sapat na yun.

As for that call-center company? Tama ang si Aya ko: It’s their loss, not mine. Hindi nila nakita yung opportunity kung san nila ako pwedeng maharness. Sayang. Ako pa naman kasi yung taong ieexert ang lahat ng effort at time para lang makadeliver ng magandang resulta. Hindi ako nagmamayabang, siguro maaattest yan ng mga kakilala ko. Kung kakilala nyo sila, ask them na lang hehe.

For now, ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko sa bagong company na nag-accept sakin. Pero hindi na matatanggal yung maxim ni Narayana Murthy sa akin regarding work:

"Love your job, but never fall in love with your company because you never know when the company stops loving you…"

I guess hindi ako minahal ng company ko in the first place? heheh. I don’t know, at ayoko na sigurong alamin…

under: Workaholics 101

I need to cut it short and unfinished. If I were to wait myself having the time and the guts to complete it, it will take forever; So I have to end it now and move on. As I have so much to say.

As you can see and observed - The memories of Puerto Galera (dubbed the ‘Summer Getaway 2k6′) was my most memorable one this year. Sana nga maulit pa, at sa ibang lugar naman. But given the schedules we have as young professionals (am I allowed to say this or am I just making it up, guys?), I have doubts if we can pull it again like we have 4 months ago.

You see, I’m not finishing the so-called Puerto Galera trilogy for three reasons: First, since it’s May pa when we have the getaway, I’m having trouble collecting my thoughts and assembling them in one comical order and finally present it to the world: Nalimutan ko na yung ibang events. For me, it may be best remembered and recalled over dinner with friends na lang siguro. You got it naman di ba? It is generally fun-filled and adventure-laden. And of course, we can clearly see the behaviour of even the most pious of people when intoxicated with alcohol - They are so fawkin’ makulet! Hehehe.

Second, I need to move on. Else I have nothing to write in here. Sayang naman. If I keep on ranting on the idea that I have an unfinished business with Galera, and me having the attitude of doing things at a later time (may pagka-Ningas cogon ‘ika nga). Eh me and my blog will be having an infinite cycle of waiting and ranting. Walang mangyayari. So I better close this now.

Third - I need to vent what I’m feeling now. Remember my post From south to [farther] south? Read it again. You’ll get it - Alam nyo na kung ano na naman ang pinagdadaanan ko.

So for me, the memories of Markito being the Butanding lying in the sand, knocked down, of Gerry singing the Dalisay - the name of the purified drinking water in Puerto Galera, and Markito again trying to rationalize bakit lumalaki ang mga bituin - is enough for me. Comical, funny but in a way, will be remembered and forever immortalized over lunch and dinner kuwentuhans. Masaya, and as I keep on wishing - Sana maulit muli.

That’s all.

under: Maaasahan. Basta Layasan

12:30 PM - Batangas Port

(insert Amazing Race theme here) Dala-dala ang aming mga gamit at pagkain, halos patakbo  kaming lumabas ng bus para makipag-unahan sa -

"Wow… andaming TAO!" ito na lang ang nasabi ko. Yung building kung saan andun ang mga ticketing office.

Pero ok lang. heheh kasi andaming magaganda! sa Batangas port pa lang ok na! Pano pa kaya sa Galera?

"Dito lang kayo, bibili na ako ng ticket" sabi ni Ronnel, ang aming masigasig na organizer at pinakaogag sa lahat.

Eh di sige, sabi mo eh. Hintay kami sa may malapit sa dinadaanan papuntang ticketing office. Sa sobrang dami ng tao tinambak na lang namin yung mga bag namin sa daan na mismo. At marami na ring nakaupo sa hagdan o kaya nag-Indian Sit na lang sa may sidewalk. Naghihintay ng oras ng biyahe nila o kaya nakikipagsapalaran na makasama sa bangka na maagang aalis.

1:00 PM

"Nakabili ako ng ticket, kaso pang 4:30 yung biyahe natin…" Bungad ni Ronnel. Hindi na namin nagawang magreklamo. madaming tao eh. Saka tanghali na rin kami nakarating ng Batangas port..

"Kain na muna tayo ng tanghalian!" Sabi ni Grays. Oo nga pala. Hindi pa kami kumakain heheh… Kaya parang mga pinalayas sa bahay, dala-dala namin ang aming mga gamit palabas sa may mga carinderia sa tapat ng Batangas port. Pasaway! Andami pa ring tao kahit sa kainan!

Akala nga namin nde na kami makakaupo, buti na lang may nabakanteng mesa dun. Yun nga lang, may kashare kami. Ok lang. pagod na rin kami sa bigat ng mga dala namin heheh

Siyempre nilabas ko yung baon ko na gawa ni misis heheh… Pinabaunan ako ng pagkain mantakin mo un! ang swerte ko talaga sa misis ko heheh…

Dahil pagod at gutom, hala sige, kain! naghati hati na sa ulam. Pati nalaglag na longganisa ni Hottie tinalo na rin hehehe… nalaglag lang naman sa mesa, at hindi sa lapag heheh

After naming kumain. Tumambay muna kami sa tapat ng isang karinderya. Nilapag ang mga dala, naglatag ng sapin at nagpusoy-dos ang iba samin. Ako naman nakinig muna ako. Kodakan. At tapos tong-its naman heheh

[fast forward]

3:00 PM

Kodakan, lakad, upo, makisiksik sa aircon - Yan ang ginawa namin halos maghapon. Antagal kasi ng biyahe namin. Sa sobrang tagal, nakita pa namin si Jeng - college buddy namin nila Ronnel, saka yung dalawang kaklase ko nung high school - na magBF-GF. Wow! pag tumingin ka sa labas ng pier andaming nakapila at nakaupo na sa semento. Yung iba delayed na yung biyahe andun pa din. Yung iba nayayamot na… Tulad ko heheh

4:00 PM

Naiinip na kami.. antagal… hanggang kelan kami maghihintay huhuhu…

4:30 PM

Para kami ng mga bata.. naghihintay ng pangalang GORGONILA II. Nagiging superhuman na nga kami kasi finifilter out na namin ang ingay sa loob ng port para marinig lang yung (walang silbing) PA para malaman namin kung padating na ang Gor… Gorga.. Gordo.. - ah leche! - yung bangka namin..

5:00 PM

Hintay.. Silip sa bintana.. Hintay.. "Yan na ba?" Wala pa rin…. Wow… ang tagal ha?! Napapa-rant na si Ronnel.. Kesyo hindi na daw siya sasakay sa Gorgonila II (o-ha! nakuha ko ng tama!)

close to 5:30 PM

Sa wakas! naaaninag na namin ang pangalang Gorgonilla II! dali-dali na naming kinuha ang mga gamit namin dahil unahan ito! Parang MRT sa umaga heheh! Dahil sa gustong makauna sa pila, kanya-kanyang diskarte na sa pagpila - Pilit hinihilera ang sarili kung saan dadaong ang bangka, Para nga kaming mga tanga heheh kasi pag kakaliwa ang bangka, kakaliwa ang buong pila, pag kakanan kanan din. Aba! mahirap na no! Baka mamaya maiwan pa kami…

…Maya-maya pa, dumaong na ang bangka. Parang gremlins na rin ang pila - nagmultiply na. Ayaw naman umalis yung iba kasi mahirap na. Ng makaface-to-face na ang mga tripulante ng bangka, kanya-kanya ng parinig at reklamo: kesyo ba’t antagal-tagal dumating. Meron namang pinapaayos ang pila at kesa lumipat saka nagsabi na kanina pa nakapila, dapat inagahan nyo ewan ewan. Hay naku, parang magmumutiny na nga doon. Andaming mainit ang ulo kasi delayed sila. Parang yung ibang mga guys. Pag delayed mainit ang ulo! heheheh

close to 6:00 PM

sa wakas! nakaupo na rin kami! kaso dahil marami ang nakasakay, kanya-kanya kaming kandong ng mga dala namin. Sa may dulo kami naupo, malapit sa kapitan. Tinatanong ko nga kina Marco kung matic ba yung bangka saka power steering heheh

7:00 PM

Sa tinagal-tagal ng biyahe sa dagat, buti naman at banayad ang alon, hindi yung tulad nung pabalik kami galing Galera noong college pa ako. Kulang na lang mabali sa gitna yung bangkang sinasakyan namin noon sa lakas ng alon. Anyway, maganda pala ang white beach sa gabi. Parang pinaikling Roxas boulevard. Puno ng ilaw, at malalaman mo na agad na marami ang ihawan kasi puro usok. Kala mo nga isang baryo ang may sunog. Gusto ko ng bumaba!

7:30 PM

Sa wakas! dumaong na din ang bangka! heheh ewan ko ba kung excited, si Ronnel madadapa pa heheh. Marami pa namang chikas dun! Pagbaba pa lang namin, bumili na agad kami ng tiket pabalik. Mahirap na. At least rest assured kami na may sasakyan kami pabalik. Dahil siyempre kung anong dami ng tao papunta ng galera ng weekend na yun, pagdating ng lunes tiyak na marami rin ang pabalik ng Maynila.

Maraming tao sa White beach - ang mga bars eh nasa beach mismo, tables, stuff everything. Mga sumasayaw nasa beach na rin. Mga naliligo, naglalasing, nagpapa-henna.. Heck pati nga ata nagchochongke andun din sa Beach hehe halu-halo na, pero syempre maraming mga babaeng nagagandahan.. Buti na lang upgraded na radar ko! Kahit gabi kaya kong makadetect ng chikas! heheh

8:00 PM

"Lintek Ronnel! Anlayo naman ng nirentahang mong bahay!" Nasasaloob ko. Hmm, pano ko ba idedescribe ang layo ng tinuluyan namin from the beach… siguro yung buong length ng megamall yung distansya namin mula White beach papunta samin. Medyo mahabang lakaran. Siguro gugugol ka ng 3 minuto. Pero justified naman kasi eh. Peak season - buti nga may nakuha pa kami. Better this than never.

8:30 PM

Dahil mga pagod, humilata muna sa kwarto. Nagpalit ng damit, yung iba nilabas yung mga gamit at pagkain.. Ako? umupo. Nagpalit ng shorts. Ang init eh. Saka ko kinuha ang zen ko tapos nag music trip. Bahala kayo. Hindi ko muna trip ang lumabas agad. Papahinga muna ako…

[ITUTULOY.. na naman...]

under: Maaasahan. Basta Layasan

7.30 AM

5 minutes. Lintek na dikya - yan ang sabi ni Ronnel habang naghihintay ako sa McDonald’s Philcoa. Sabi ko kasi galing pa akong Cotabato. Sumasagwan pa daw siya. Heck natuwa ako. Akala ko ako ang hihintayin, yun pala ako ang maghihintay. At least on track pa rin ang lakad.

7.35 AM

"San ba ang punta nyo?" "Sa Puerto Galera ho…" Ang mausisang drayber ng taxi, humirit agad. Eto pa ang mga sumunod na usapan:

"May titirhan na ba kayo doon?" Sabi ng aming bibong drayber.

"Meron ho" Sabi naman namin.

"Kayong dalawa lang? Anong gagawin nyo dun? MAG-EESPADAHAN?" hahahah asteeg na drayber.Hindi na namin pinigil ang sarili namin. Tumawa na kami.

"May mga kasama ho kami… Dalawa hong kuwarto ang kinuha namin."

"Ah, akala ko kayong dalawa lang eh.. Tig-isa pa kayo ng kuwarto no? Para hindi halata, sa umaga bukod kayo, pag gabi, yung isa pupunta na lang sa kabila" Halakhak na ito. Da best na simula pa-Galera, isang bibong drayber. Panalo!

"Buti na lang at may kuwarto na kayo, kundi mahihirapan kayong maghanap dyan"

"Onga ho eh."

Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na usapan. Pero isa lang ang napag-agrihan namin ni Ronnel - Ano kaya isama natin si manong sa Galera? Lasingin natin! hehehe. Panalo talaga!

7.50 AM

Tritran, Jam, wateber. Basta andito na kami sa terminal ng bus pa-Batangas. Aba! Nauna si Hottie. himala! Wala pa si Grays at Gerry (combo yun, hindi pwedeng mawala ang isa), At siyempre, ang dahilan kung bakit kami alas-otso aalis, wala pa rin. si…

Markito.

"Hindi daw sasama si Gherette." Hirit ni Ronnel

"Bakeeet????" Tanong ko. Sabi nya kasi Martial law si gherette, hindi pwedeng hindi sumama. Sa puntong ito, hindi ko na ulet matandaan ang sinagot nya. Bibitinin ko na lang kayo… (Naapektuhan ata ng Hottie’s Hollow Block ang memorya ko. More on Hottie’s Hollow Block later)

8.10 AM

Maya-maya pa, may dumadating na isang lalaki at isang babae, may dala-dalang backpack at plastic bag. "Ayan na sila Grays."

Buti naman. Isa na lang… Isa na lang.. Asan ka na bang hinayupak na Markito ka…

8.15 AM

Maya-maya dumagundong. Yumanig ang lupa. Huminto ang mga bus sa Edsa, dahilan upang maraming umangal at nagreklamo. Gumalaw ng isang piye ang flyover sa may timog. Akala nga namin bubuka ang lupa at lalabas si… Okerampa sa Maskman… Yun pala padating lang si Markito. Presto! andito na ang dahilan kung bakit nde kami nakaalis ng alas-singko ng madaling araw…

Syempre nakadefault pose ito. Ang ngiting medyo nakanganga. Basta, yun na yun. At may dala rin syang plastic bag. Lahat ata kami merong dala… Pwera si Hottie, ala namang pakelam yun eh hehehhe…

"Bakit… Ba’t"

"Dala ko buong bahay namin ba’t ka ba" Bungad ni Markito. Siyempre tawa. Sisimulan na namin ang pang-aalaska..

"Anlaki ng dala mo ah. Ano ba laman nyan?"

"Oy may dala akong life-vest dito sa bag ko kaya malaki"

"HAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHA… Baket?"

"Eh malay mo…" Panalo! Iba nga naman pag handa ka heheheh

"Halika na! Sakay na tayo!"

8.30 AM.. and counting

Isa-isa ng sumakay ang geeks (aanim, bow) sa bus. pares-pares. Kami ni Ronnel, sa likod ang dalawang Marco, at sa pangatlo ang magBF/GF. Maya-maya pa’y lumakad na ang bus. Siyempre, EDSA, alas-otso, o di ba, sagap namin ang trapik…

Nagsimula ng magmarathon si Markito heheh… parang batang nakainom ng growee.. ang bibo… kwento ng kwento…

… Tulog na nga si Hottie tuloy pa rin si Markito sa pagdaldal… Si Bunsoy, lumalaki na! heheh Kausap nya kasi si Gerry, about call center life.. Si Grays ewan ko, tinext pa nga ako eh, sabi kasabay daw namin si Sir Pros sa bus. nyahahah onga Grays! Hawig!

10.00 AM

Highway. Linsyak, kareresign lang ata ng drayber namin from Paz or International. Ambagal eh! Lintek! ganitong oras nasa daan pa kami. at ok sa olrayt, dahil trapik sa SLEX. ang saya di ba? Nababagot na nga ako eh.. gusto ko na maligo! Gusto ko ng…

Aba, aba, si manong drayber eexit na sa interchange! Aba! may alam sigurong ruta ito kaya mageexit ng maaga hanep pala si Man…ay Syet! nag-U Turn lang pala si Manong. Pasaway! Ginawang U-turn slot ang exit (hindi ko na matandaan kung sang exit un eh. pasensya, tao lang!)

10:30 AM

Santo Tomassss… Batangaasss….. Haaay, animo’y ang Puerto Galera’y isang pangarap na ang hirap abutin… Dinaan na lang namin ang pagkabagot sa biruan at kantyawan (at panloloko kay Markito dahil as of this time, kwento pa rin sya ng kwento)

Maraming nagbababa-sakay sa Bus. Nice.

11:00 AM (?)

STAR…Tollway. At least papasok na kami ng Star Tollway… Sabi ni Ronnel mga alas-dose hanggang ala-una eh andun na kami, though sinabi nya na hindi na daw kami abot sa pang-umagang biyahe. So sabi ko sa sarili ko, ok lang basta makalublob lang sa Puerto Galera! Haaayy… may tatlo-apat na taon din sigurong pagitan ang pagbalik ko sa Galera. at least hindi na ito educational trip, pwede nako magpakalasheng at magpakaluwa ang mga mata sa mga babae dun heheh (peace tayo hon!) Haay… sana mga bago man lang maghapon eh….

"O bakit bumabagal?"

"Aba malay ko." ani Ronnel

"Aba, at hihinto… Ay lintek, Magsi-CR pa ata si Manong"

At dun naputol ang aking pagninilay… Mabagal na nga si Manong eh nagCR pa! Gusto ko na ngang ako na magmaneho habang umiihi si manong eh. baka sakaling bumilis ng paghabol sakin…

(ITUTULOY)

under: Maaasahan. Basta Layasan

Ang Testi ko Sa ‘yo*

Posted by: sie7ben | May 7, 2006 | 2 Comments |

Makulit. Parang ako, pag may tama, may tama talaga. Ewan ko ba, pero noong sinabi mo sakin na hindi ka iinom ng gamot kasi hindi ako uminom ng gamot ng maysakit din ako, eh imbes na magalit eh natawa ako. Para kang bata, isang kyut na kyut na bata. Lahat ginagaya sakin. Nanghihimok ng atensyon mula sakin. Wala naman akong magawa kundi ang bigyan ka ng atensyon, na may kasamang paghanga at pagmamahal…

Minsan naiisip ko pa rin kung pano naging tayo. Parang hindi ko na matandaan kung ano ang itsura natin ng magkaibigan pa lang tayo. Masyado na kasing natatakpan ng mga magagandang alaala natin na magkasama tayo ang mga nakaraan nating bilang magkaibigan. Maski ngayon hindi pa rin ako makapaniwala… Hindi ka dapat sakin pero heto ka at minamahal ako. Nang dahil sayo naniwala ako na may destiny, may isang Banal na Kamay na gumagabay sa bawat isa sa atin, itinuturo ang magiging kasama natin, at inihihiwalay ang mga posibleng sumira sa ating buhay. Ang galing. Hanggang ngayon nalulunod pa rin ako sa mga panahon, mga araw na pinagdaanan natin… Nakakatuwa isipin. Sino ba ang mag-aakala di ba?

Naalala mo noon, inakbayan pa kita noon sa harap ng mga kaklase natin. Niloloko kasi natin sila na tayo na. Na nagkatuluyan tayo. Inakbayan kita, pumayag ka, nakisakay ka sa akin. Yun na pala ang senyales na ipinaparating satin ng Nasa Taas na balang araw ang akbayang yun ay magiging totoo. Magkakaron ng ibig sabihin. Magkakaron ng kulay.

Malambing. Masaya. Matatag. Sa iyo ko nakukuha ang lakas ng loob na taas-noo kong haharapin ang buhay. Pag wala ka para akong isang makahiyang nasaling at hindi na bumuka. Para akong halamang nababad sa araw. Isa akong katawan na walang kaluluwa. Ikaw ang nagbibigay sakin ng pag-asa. Ang galing, kasi noon hindi ko naiisip ito at hindi ko naiisip na ikaw ang pagsasabihan ko nito.

Salamat. Minahal moko kahit ganito ako. Tinanggap mo ang buo kong pagkatao. Pwedeng sabihin ng iba na bulag ka, pero ewan ko, kaya mo namang ipagtanggol ang ginagawa mo, kaya mong bigyan ng rason ang lahat ng desisyon mo. Dyan ako humahanga sayo. Lalo kang napapamahal sakin.

Alam mo ba kung bakit lagi kitang tinitignan. Dahil sa mga ito. Uulitin ko, hindi pa rin ako makapaniwala na akin ka at sa iyo ako. Naghalo na ang paghanga, pagmamahal, at paggalang. Hindi ko masabi lahat, hindi ko sila mapag-isa at sabihin kung gaano kita kamahal. Hanggang tingin na lang ako. Kasi, alam ko, na pag tumingin ka pabalik sa akin, alam mo na agad ang ibig kong sabihin. Mahal kita. Nahihiya ka man, Naiilang ka man, wala akong tigil na titingin sayo. Kasi mahal kita. Humahanga ako sayo.

Naghanap ako sa iba’t ibang sulok ng mundo, sa tabi ko lang pala makikita ang magiging kasama ko. Ikaw yun. Lagi kong hinihiling na sana ito na. Na sana tayo na kahit kelan. Kasi hindi ko na alam kung san pako maghahanap, kung wala ka na sa tabi ko. Hindi ko na alam kung maghahanap pako…

Salamat.

*kilala mo na kung sino ka, Mahal kita.

under: Kalasingan sa Pag-Ibig

Reformat

Posted by: sie7ben | March 25, 2006 | 1 Comment |

‘mukha ka talagang PC, pati sarili nireformat’ - she said, giggling. Seriously, I think I really should.

Job transition takes a lot of me away from my usual me. My zest, my happiness. Sometimes I see myself staring blankly somewhere. Letting go of those otherwise meaningful conversations. I find myself meek and prone to worries. My room’s a mess. Heck even my laundry’s in bales.

I want myself back. That’s what I’m gonna do.

First, I want to pause, if it’s not possible I want to stop the time. The world will stop, and ponder with me. I want to think and look back where I am right now, and where I’m heading. I want to have a clear path.

Second, I want to exorcise myself. I want to get rid of my bad habits and all of my not-so-good intentions away from me: banishing the dark alter ego on someplace where he can wreak havoc no more.

Third. I want my brain out so that I can clean it. I want to remove all bad memories and low self esteem-ness to go down the drain.

Fourth, I want to love and be loved. I want to feel that I’m important and special and no to be pushed aside. I want to feel the pride and the joy of living and walking tall.

Fifth. I want to have an out-of-body experience. So that I’m able to separate myself from work-centric me to fun-loving, adventurous and travel-loving self.

Sixth, After harnessing and perfecting the art of OOBE, i want to clone myself many times. So that one will work for the company I’m into, the second will worry of the things I always worry, the third will be the family man-always following and serving the family, the fourth will do my laundry, the fifth will clean up my room, and yours truly (the original) are relaxing with Aya somewhere in Puerto Princesa City.

Seventh. I want to inject myself with an always potent and always effective serum of love. So that I have the time, the energy and the joy of being with her. So that she will not be having second thoughts on the things, many things.

Eight. I want to upgrade my brain to a higher capacity - so that I can learn all the things I want to learn fast and easy.

Ninth. I want to upgrade my body - eating as much as i want to eat but not getting fat nor flabby. But in fact getting slimmer and hunkier everytime i eat.

Tenth. I wish one of these will happen, if not all. For those who will be asking me why do I wrote this, the answer is simple: I just want to have the time of my life here on Earth. Who knows?

Life is short so do the most of your time fulfilling all your dreams. You may never have the chance if you’re six feet below. Death for me is a chilling revelation - it’s like waiting for your blind date, you know she’ll come but you’ll never know what she looked like. It will unfold only the moment that you see each other. You’ll never know.

I hope it’s not too late for me. Haay… I really need to reformat myself…

under: Rantings and Ravings

The move from South to [farther] South

Posted by: sie7ben | March 17, 2006 | 1 Comment |

These past few weeks I’ve been living like a call center agent (kudos to those agents and TSR’s, I come in peace) - waking up at 7 in the morning and retiring at 2 o’clock in the morning.  Yup. You’ve read it right. Since yours truly wanna have the best friggin’ time of his life - he actually works on two places at the same day. One was with my (soon-to-be-ex) current employer and in the afternoon to an IT company somewhere in Makati, exactly adjacent to my ex-company’s branch. Nice.

Some of my friends praised my move for being so predictive of my future on my current company. Others see it as a sad ending to a rather good chapter of my (and theirs too) life. For me I it’s just a move; like what I’ve said in my resignation letter: a strategic career move. I just want to fully understand the innards of being a member of the Philippine workforce. I just want to see and feel a different perspective.

Deciding on this ’strategic career move’ brought me to sleepless nights and wandering days. I can’t seem to find my place between these two realms - Am I gonna stay or I should jump ship? It took me dozens of consultations from friends, families and specially from Aya. We even argued about this thing. Point is, they are right: I have the final say on whether I’m gonna stay or opt out to another company.

I chose the latter. For me it seems that my new company will provide me with better exposure to my forte. It seemed hard and tedious at first, but slowly I am gaining momentum, learning the tools of the trade and familiarizing myself on how they work here. It seems that in a week or two, the adjustment period is complete, and will find myself completely in control on what I’m doing and what am I suppose to do.

I’ll take this opportunity to thank my soon-to-be former employer, for giving me the chance to prove myself that I can have the potential to know more and to do more, and in giving me dozens of good friends to rely on and giving me the best experience for a fresh graduate like me back then. Memories will surely be a vibrant and a happy one. and I can say no more.

Strategic career move. It’s like gambling: You’ll never know if you’re winning or losing unless you’re in it, actually playing the game.

under: Workaholics 101

« Newer Posts - Older Posts »

Categories